Thursday, July 29, 2010

Jeepney (Pang-anim) Bulol

Dirediretso na 'ko sa kwarto ko, at hindi ko na nagawang kumain ng hapunan.
"Tok, tok, tok."
"Sino yan?" May kumatok sa kwarto 'ko pero hindi nasagot. "Tok, tok, tok." At paulit-ulit pa niya itong ginawa, at napilitan na 'kong lumabas, bumibilis ang tibok ng puso 'ko, sino kaya ito?
"Ate, ate nanain na po mamamam na ayo." Si Baby pala! Bunso 'kong kapatid, bibo yan, kaso bulol.
"Oh, sige, ikaw naman akala ko kung sino, pakisabi kay ma susunod na 'ko."
"Otey biyisan o a."

"Sige ma, ako nalang magliligpit ng kinainan." "crackk, crackk, crakk."
Nabitawan ko lahat ang mga dala 'kong pinggan.
"Margarita?! Ano nangyari? Wala ka ata sa sarili mo, lumilipad na ata ang utak mo? Nung isang araw ka pa ganyan ah, sino ba kasing iniisp mo?!"

"Si Mark, si Mark, si Mark." pabulong kong sinasabi sa sarili ko.
"Ma, sensya na, pagod lang talaga ko."
"Pano na yang mga pinggan na nabasag? Hindi pa nga tayo bayad kay Aling Celia, kakautang ko lang niyan."
"Sige, iawas niyo nalang ho sa allowance ko, magkano ho ba isang pinggan?"
"50, made in China kasi yan."
"50 times 8? 200, carry 2 plus 200, 400. 400 lahat?!"
"Oo."
"Pano yun? 200 lang ang allowance ko sa isang linggo."
"Eh di dalawang linggo ka walang baon, bahala ka na, teka punta muna ko kila Tita May mo, magbibinggo pa kame."
Si Tita May, siya, siya ang paborito kong tita, siya kasi ang labis na nakakaintindi sakin.

"Lord, matutulog na ho ako, sana naman bukas magpakita na si Mark sakin."
"Mark, mark si mark. Bakit ba kasi kame nag-away? Dahil sa ice cream lang?!"
paulit-ulit kong tanong sa sarili ko.
"Hindi ko rin kasi siya masisisi, dulot narin siguro yon ng pagod niya, pati mga pagkukulang sakanya at sabi nga niya, iilan lang ang mga kakilala niya, shy-type kasi sya, kontento na sa 10 kaibigan, 2 lang dun ang close niya ako pati si Pia, kapit-bahay nila anak ni aling Nita.


Sunday, July 25, 2010

Jeepney (Panglima) Yosi

Biyernes ng hapon, nagkayayaan ang barkada na gumala.
"Carla, san tayo?"
"Tanong mo sila Maegan."
"Margarita, ano baka may alam kang pwedeng pagtambayan?" Tanong sakin ni Mikee.
"Di muna siguro ako sasama ngayon."
"Bakit? Nakabili na kami ng isang kahang yosi."
"Angelie, itigil niyo na nga yang paninigarilyo niyo, makakasira lang yan sa kalusugan niyo."
"Tsk, ano ba nangyayari sa'yo Margarita? Bahala ka." Sabi ni Mikee.
"Sa Festi nalang tayo."
"Sige tama si Carla." pahabol ni Maegan.
"Lika na, dali baka abutan pa tayo ng ulan." nagmamadaling sabi ni Angelie.
"Mag-iingat kayo." pahabol ko. Pero mukhang di na nila narinig dahil sa sobrang pagmamadali.

Saturday, July 24, 2010

Jeepney (Pang-apat) Libro

"Ayy, sorry miss, sorry." Nahulog lahat ng mga dala 'kong libro pababa ng hagdan.
"Ah, sige, ok lang, ako na." Wari'y di ako inis sa nangyari, nagmamadali pa naman ako, late na 'ko.
"Hatid na kita sa klasrum niyo. Ako nga pala si Dan."
"Ah, ok. Sige pasok na'ko, kaya ko na 'to."
"Nice meeting you, miss, anong pangalan mo?"
Sabay takbo ng mabilis.
"Miss, miss teka lang! Hindi ko pa nakukuha number mo."
"HAHAHAHAHAHA." Sabay tawa ako ng napaka lakas. Bahala siya sa buhay niya.

"Margarita! Bakit ka tumatawa ng mag-isa jan?"
"Sir David, wala po."
"Maupo ka na nga, late comers ka na, ang ingay mo pa."
"Sorry po Sir, di napo mauulit."

Jeepney (Ikatlo) "Pinto"

"Oh anak, bakit late ka na ata pumasok ngayon? 8 ang pasok mo di ba?"
"Hindi na muna 'ko papasok nay, masama po ang pakiramdam ko."
"Pumasok ka na, sayang 'tong pinabili mong pansit at lugaw."
"Nay, ayoko nga, di ba?" Napagsaraduhan ko ng pinto si mama. Hindi ko alam, ngayon 'ko lang nagawa yun. :(
"Margarita, Margarita! Buksan mo ang pinto ano bang nagyayari sa'yo?"


Itutuloy...

Jeepney (Ikalawa) "Sorbetes"

"Gusto mo ng sorbetes, Margarita?"
"Ah, eh." Inalok ako ni Mark ng isang dirty ice cream, asa tapat kami ng Mcdo, sa may kahoy na narrang bagong putol ni manong kami nakaupo.
"Ayaw mo ba? Ayaw mo ata akong kasama. Inuubos 'ko lang ang oras mo, Margarita."
"Hindi!" sabay hawak sa kanyang braso't pilit na pinipigilan ang kanyang pag-alis.
"Mark, hindi sa inuubos mo ang oras ko. Nag-aalala lang ako sa'yo, alam ko namang gipit ka ngayon, nagawa mo pa 'kong alukin ng sorbetes."
"Sus, limang-piso lang yan, Margarita. Bakit ka ba ganyan? Ang baba pala ng tingin mo sakin, naawa ka lang sakin.Ganyan ka pala. Akala 'ko ikaw na yung taong araw-araw kong pinagdadasal na dumating sa buhay ko, pero hindi pala." Galit na wika nito sabay takbo at sakay ng jeep.
Hindi 'ko na alam ang gagawin 'ko, tila gumuho ang paligid at nadurog ang puso ko ng mga sandaling iyon. Nagpasya na lang akong sumadya sa bahay nila, wala pa daw doon si Mark sabi ng kapit-bahay nilang si Aling Nita.




Ano na kayang nagyari kay Mark? Itutuloy..