Thursday, July 29, 2010

Jeepney (Pang-anim) Bulol

Dirediretso na 'ko sa kwarto ko, at hindi ko na nagawang kumain ng hapunan.
"Tok, tok, tok."
"Sino yan?" May kumatok sa kwarto 'ko pero hindi nasagot. "Tok, tok, tok." At paulit-ulit pa niya itong ginawa, at napilitan na 'kong lumabas, bumibilis ang tibok ng puso 'ko, sino kaya ito?
"Ate, ate nanain na po mamamam na ayo." Si Baby pala! Bunso 'kong kapatid, bibo yan, kaso bulol.
"Oh, sige, ikaw naman akala ko kung sino, pakisabi kay ma susunod na 'ko."
"Otey biyisan o a."

"Sige ma, ako nalang magliligpit ng kinainan." "crackk, crackk, crakk."
Nabitawan ko lahat ang mga dala 'kong pinggan.
"Margarita?! Ano nangyari? Wala ka ata sa sarili mo, lumilipad na ata ang utak mo? Nung isang araw ka pa ganyan ah, sino ba kasing iniisp mo?!"

"Si Mark, si Mark, si Mark." pabulong kong sinasabi sa sarili ko.
"Ma, sensya na, pagod lang talaga ko."
"Pano na yang mga pinggan na nabasag? Hindi pa nga tayo bayad kay Aling Celia, kakautang ko lang niyan."
"Sige, iawas niyo nalang ho sa allowance ko, magkano ho ba isang pinggan?"
"50, made in China kasi yan."
"50 times 8? 200, carry 2 plus 200, 400. 400 lahat?!"
"Oo."
"Pano yun? 200 lang ang allowance ko sa isang linggo."
"Eh di dalawang linggo ka walang baon, bahala ka na, teka punta muna ko kila Tita May mo, magbibinggo pa kame."
Si Tita May, siya, siya ang paborito kong tita, siya kasi ang labis na nakakaintindi sakin.

"Lord, matutulog na ho ako, sana naman bukas magpakita na si Mark sakin."
"Mark, mark si mark. Bakit ba kasi kame nag-away? Dahil sa ice cream lang?!"
paulit-ulit kong tanong sa sarili ko.
"Hindi ko rin kasi siya masisisi, dulot narin siguro yon ng pagod niya, pati mga pagkukulang sakanya at sabi nga niya, iilan lang ang mga kakilala niya, shy-type kasi sya, kontento na sa 10 kaibigan, 2 lang dun ang close niya ako pati si Pia, kapit-bahay nila anak ni aling Nita.


No comments:

Post a Comment